Umabot sa ikalimang alarma ang sunog na sumiklab sa Dagupan Extension, Gagalangin, Tondo, Manila nitong Hulyo 14.
Ayon kay Brgy. 163 Chairwoman Lourder Gutierrez, nagmula ang sunog sa rice cooker na umano’y nag-overheat. Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang may-ari ng bahay na pinagmulan ng sunog.
Naapektuhan ang nasa 300 pamilya o 1,200 indibidwal dahil sa sunog.
📸: BFP NCR Manila City



