Tumaas sa 26 katao ang naiulat na nasawi dahil sa epekto ng habagat na pinalakas ng Bagyong Inday, ayon sa pinakahuling ulat ng Office of Civil Defense (OCD).
Karamihan sa mga biktima ay nalunod o nasawi dahil sa pagguho ng lupa. Bukod dito, 14 ang naitala na nawawala habang siyam ang nasugatan.
Ayon sa OCD, patuloy pa ring bineberipika ang bilang ng mga nasawi, nasugatan, at nawawala habang nagpapatuloy ang rescue at relief operations sa mga naapektuhang lugar.
📸: PRO-BARMM



