Hindi na kailangang maghain ng franchise renewal application ang mga kuwalipikadong Transport Network Vehicle Service (TNVS) operators matapos awtomatikong i-convert ng LTFRB ang kanilang Certificates of Public Convenience (CPCs) sa limang taong Authority to Operate Certificates (ATOCs).
Bahagi umano ito ng hakbang ng ahensya upang mapagaan ang mga transaksyon sa pamahalaan.
📸: Philippine News Agency



