Patay ang isang 56-anyos na radio broadcast technician matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek habang nakasakay sa kaniyang motorsiklo sa Cotabato–Davao National Highway sa Barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Martes, Hulyo 14.
Ayon sa pulisya, pinagbabaril siya ng mga suspek na sakay rin ng motorsiklo bago tumakas.
Patuloy ang hot pursuit operation at imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga suspek at motibo sa krimen. | via Ely Dumaboc
📸: Tet Uyag



