MGA SALITA
1. Motion
Pormal na kahilingan sa korte o Senate impeachment court na gumawa ng aksyon o desisyon.
Halimbawa: "I move to dismiss the case."
Saan ginagamit: Kapag may gustong ipagawa ang isang panig sa hukuman.
2. Manifestation
Pahayag o paglilinaw ng abogado o senador-judge sa harap ng korte. Hindi ito kahilingan, kundi pagpapaalam lamang ng posisyon o obserbasyon.
Saan ginagamit: Kapag may gustong itala sa record nang hindi humihingi ng ruling.
3. Objection
Pagtutol sa tanong, sagot, o ebidensya dahil labag ito sa rules of evidence.
Saan ginagamit: Habang nagtatanong ang kabilang panig, sisigaw ang abogado ng "Objection!" bago pa makasagot ang witness.
4. Sustained
"Tama ang pagtutol." Kapag sinabi ito ng Presiding Officer, hindi na kailangang sagutin ng witness ang tanong.
Saan ginagamit: Sagot ng Presiding Officer sa objection.
5. Overruled
Kabaligtaran ng sustained. "Hindi tama ang pagtutol" — tuloy ang tanong at dapat sumagot ang witness.
6. Prosecution
Ang panig na nag-aakusa. Sa impeachment trial, ito ang mga prosecutors mula sa House of Representatives na nagsampa ng Articles of Impeachment.
7. Defense
Ang panig na nagtatanggol sa inakusahan (ang impeached official). Sila ang sasagot sa mga akusasyon at magpapasinungaling sa ebidensya ng prosecution.
8. Subpoena
Utos ng korte na pilitang pagpapadalo ng tao (subpoena ad testificandum) o pagpapasumite ng dokumento (subpoena duces tecum).
Saan ginagamit: Kapag ayaw kusang dumalo ng witness o magbigay ng records.
9. Testimony
Salaysay ng witness sa ilalim ng panunumpa (under oath). Kapag nagsinungaling, maaaring makasuhan ng perjury.
10. Cross-examination
Pagtatanong ng kabilang panig sa witness matapos ang direct examination, para subukin kung totoo at kapani-paniwala ang kanyang testimonya.
MGA PHRASES
"What is the pleasure of...?"
Ibig sabihin: "Ano ang nais o kahilingan mo?"
Tanong ito ng Presiding Officer sa senador o abogado na tumayo o humingi ng recognition.
Halimbawa: "What is the pleasure of the gentleman from Cavite?" = "Ano po ang kahilingan ninyo?"
"May it please the court"
Magalang na pambungad ng abogado bago magsalita sa harap ng hukuman.
Ibig sabihin: "Sa inyong kapahintulutan po."
"Point of order"
Pagtawag-pansin na may nilalabag sa rules of procedure.
Saan ginagamit: Dapat itong resolbahin agad bago magpatuloy ang pagdinig.
"Duly noted"
Ibig sabihin: "Naitala na."
Sagot ito ng Presiding Officer sa isang manifestation—kinikilala ang pahayag ngunit walang inilalabas na ruling.




