Binatikos ni Vice President Sara Duterte ang impeachment trial laban sa kanya at sinabing pag-aaksaya lamang ito ng pondo ng bansa.
Iginiit niya na wala umanong sapat na ebidensya sa mga paratang sa kaniya. Aniya, haka-haka lamang ang umano'y pagbabanta sa buhay ng Pangulo at ang isyu ng pagkuha ng isang hitman.
Ayon kay Duterte, ang isang impeachment trial ay dapat nakabatay sa matibay na ebidensya dahil nakaaapekto ito sa integridad ng pamahalaan at tiwala ng publiko.



