Natagpuang patay ang American marine biologist na si Kent Edward Carpenter sa kaniyang bahay sa Sibulan, Negros Oriental.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nanonood ng telebisyon ang biktima nang dumating ang tatlong suspek at pinababaril ito sa ulo. Dagdag pa ng mga awtoridad, sugatan ang isang Pinoy na kasama ng biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen.
📸: Negros Oriental Police

