Umakyat na sa 23 ang naiulat na nasawi habang 18 pa ang nawawala dahil sa pananalasa ng habagat at Bagyong Inday, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa naturang bilang, isa pa lamang ang validated habang patuloy pang sinusuri ang natitirang 22 namatay.
Sinabi ng NDRRMC na umabot sa 782,874 indibidwal o 167,059 pamilya sa 12 na rehiyon sa bansa ang naapektuhan ng dalawang weather system.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan para sa beripikasyon ng mga naapektuhan at kaswalidad sa insidente.

