Nasa 199,000 metric tons ang nagawang asin sa unang anim na buwan ng 2026, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sinabi ng ahensya na tumaas ang produksyon dahil sa mga programang sumusuporta sa mga lokal na gumagawa ng asin, kabilang ang paggamit ng solar beds, greenhouse tunnel-type salt dryers, elevated solar dryers, at storage facilities.
Layunin din ng programa na palakasin ang lokal na industriya ng asin at mabawasan ang pagdepende ng bansa sa imported na supply.

