Sinabi ng administrasyon ng Estados Unidos na magsasagawa ito ng kampanya upang hadlangan ang kapangyarihan ng International Criminal Court (ICC) na imbestigahan at litisin ang mga American national, na ayon sa kanila ay banta sa soberanya ng kanilang bansa.
Ayon kay U.S. Secretary of State Marco Rubio, pinag-aaralan ng pamahalaan ang iba't ibang hakbang at diplomatikong panghihikayat sa ibang bansa upang tutulan ang awtoridad ng ICC sa mga opisyal at tauhan ng Estados Unidos.
Wala pang komento ang ICC hinggil sa pahayag na ito.
📸: Reuters

