Nasawi ang isang Amerikano matapos siyang nakawan at pagbabarilin ng riding-in-tandem habang naglalakad sa Barangay San Roque, Teresa, Rizal nitong Lunes, Hulyo 13.
Batay sa CCTV footage, naglalakad ang biktima nang salubungin siya ng mga suspek at tinangkang holdapin.
Nanlaban ang biktima at hinabol ang mga tatakas na holdaper dahilan para balikan at pagbabarilin siya.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
📸: NCBC

