Magpapakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng nasa 20,229 na pulis para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 27.
Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin, nasa 9,700 ang magbabantay sa mga magkikilos-protesta, habang paiigtingin din ang seguridad sa Batasan Pambansa, sa Malacañang, maging sa Senado, United States Embassy, People Power Monument, at sa EDSA Shrine.
Sa ngayon, wala pa umanong namo-monitor na seryosong banta sa seguridad sa araw ng SONA.

