Nasagip ang isang Philippine Eagle mula sa pag-atake ng mahigit 30 na unggoy sa isang kagubatan sa Malaybalay, Bukidnon.
Ayon sa nakasagip, narinig niya ang kakaibang ingay ng hayop habang namimitas siya ng prutas. Nang lapitan niya ito, nakita niyang pinalilibutan ng mga unggoy ang akala niya'y isang ligaw na manok. Laking gulat aniya nang makitang isa pala itong Philippine Eagle.
Ligtas na na-i-turn-over ang agila sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa kaukulang rehabilitasyon.
📸: Merly Omarol Sunday

