Kinumpirma ng Human Rights Watch (HRW) at iba pang international investigators ang paggamit ng white phosphorus munitions sa ilang bahagi ng southern Lebanon, na nagdulot umano ng malawakang sunog at pinsala sa mga sakahan.
Ayon sa mga awtoridad, kabilang sa mga naapektuhan ang mga bayan ng Yohmor, Nabatieh, Qlayaa, at Khiam, kung saan nasunog ang mga taniman.
Iginiit ng HRW na ang paggamit ng white phosphorus sa mga lugar na may sibilyan ay lumalabag sa international humanitarian law.
Samantala, wala pang opisyal na tugon ang Israeli military hinggil sa naturang mga alegasyon.
📹: RT News


