Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino ang kasamang nasawi sa trahedya.
Ayon sa mga awtoridad, biglang sumiklab ang apoy at mabilis na napuno ng makapal na usok ang loob ng pub. Dahil walang fire exit, maraming customer ang nagtangkang tumakas sa likurang bahagi ng establisimiyento kung nasaan ang mga palikuran.
Nadatnan ng mga rescuer ang ilang biktima na nakahandusay sa sahig malapit sa mga palikuran ng pub. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
📸: Reuters


