Nasawi ang isang sundalo matapos barilin ng kaniyang misis sa kanilang bahay sa Bacolod City. Patay rin ang misis matapos saksakin ng kaniyang biyenan.
Â
Ayon sa pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa nang umuwi mula sa outing hanggang sa marinig na ang mga putok ng baril mula sa service firearm mismo ng sundalo.
Â
Nakita umano ng ama ng sundalo ang sinapit ng anak kaya kumuha ito ng kutsilyo at pinagsasaksak ang manugang. Naulila ng mag-asawa ang anak nilang 11-anyos.
Â
Sumuko ang biyenan at nasa kustodiya na ng pulisya. Kasalukuyang iniimbestigahan ang ugat ng pagtatalo at motibo sa krimen.
Â
📸: Bacolod City Police OfficeÂ
Â



