Patay ang 29-anyos na lalaki matapos tangkaing sagipin ang dalawang menor de edad na nalulunod sa beach resort sa Barangay Sta. Filomena, Iligan City nitong Biyernes ng hapon, Hulyo 10.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sinubukan ng lalaki na iligtas ang dalawang bata na 7-anyos at 8-anyos, na kalaunan ay tinangay ng malakas na alon. Napunta umano sa malalim na bahagi ng dagat ang mga bata pero nasagip din sila ng mga kaanak at ibang naliligo sa beach.
Agad na rumesponde ang mga awtoridad upang hanapin at sagipin ang lalaki na nalunod. Samantala, nakita ang katawan ng biktimang nasawi pagtapos ng tatlong oras.



