Niyanig ng 5.0 magnitude na lindol ang Balut Island, Sarangani, Davao Occidental kaninang 1:44 ng madaling araw, ayon sa PHIVOLCS.
Naitala ang Intensity II sa Malapatan, Sarangani habang Intensity I naman sa mga bayan ng Kiamba at Maasim, Sarangani at sa Tupi, South Cotabato.
Ito ay isa sa mga aftershock ng 7.8 magnitude na lindol sa Saramgamo at 6.5 magnitude na naitala sa Davao Occidental.
📸: PHIVOLCS


