Patay ang anim na katao, kabilang ang isang 9-anyos na batang babae, sa magkakahiwalay na pag-atake ng Israel sa Gaza Strip nitong Linggo, Hulyo 12, ayon sa Palestinian health officials.
Kasabay nito, ipinagpatuloy ng mga mediator ang usapin upang mapanatili ang U.S.-backed ceasefire sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon sa Israeli military, target ng kanilang operasyon ang mga hinihinalang Hamas militants, habang nananatiling walang kasunduan sa ikalawang yugto ng peace talks.
📸: Reuters


