Mariing itinanggi ng Big Hit ang reklamong copyright infringement sa kantang “Swim” ng K-pop group na BTS, na isinampa ng mga independent songwriter sa Estados Unidos.
Nagsampa ng kaso sina Steve Cooper, Jon Sandler, at Greylyn Johnson laban sa HYBE, HYBE America, at Big Hit. Ayon sa kanila, kinopya umano ang “Swim” mula sa kanilang hindi pa inilalabas na demo.
Nakasaad din sa reklamo na unang ipinadala ang demo sa Artist Publishing Group, isang music publisher at record label sa Los Angeles, na umano'y nagbahagi nito sa mga songwriter ng “Swim.”
Hindi kasama sa kaso ang pitong miyembro ng BTS. Samantala, iginiit ng Big Hit na orihinal na likha ang kanta at haharapin nila ang usapin sa tamang legal na proseso.
📸: BTS


