Akala ni Jin, solo na niya ang iconic shot sa Kensington Palace sa London, United Kingdom, pero mukhang may ibang plano sina Jimin at J-Hope!
Sa halip na picture-perfect pose, nauwi sa kulitan at photobomb ang kanilang souvenir photo, na lalong ikinatuwa ng ARMYs online.
Patuloy namang pinapasaya ng BTS ang fans sa bawat stop ng kanilang "Arirang" World Tour, bago nila dalhin ang concert excitement sa Philippine Sports Stadium sa Manila sa March 2027.
📷: Jin / IG



