Matinding pagbaha ang naranasan sa ilang bahagi ng Hebei at Liaoning sa China matapos ang malalakas na pag-ulan dulot ng Bagyong Bavi.
Umabot sa mahigit dalawang metro ang taas ng tubig sa ilang kalsada, kung saan maraming sasakyan ang inanod at libu-libong residente ang naapektuhan.
Sinuspinde rin ang biyahe ng ilang tren at klase sa mga apektadong lugar habang nagpapatuloy ang masamang panahon.
Ayon sa mga awtoridad, nasa 1,800 residente ang na-stranded sa Kuancheng habang isinailalim sa red alert ang ilang lugar dahil sa mataas na risk ng flash flood.
📹: RT News


