Huling namataan ang Bagyong Josie sa layong 1,065 km silangan ng Eastern Visayas na may dalang hangin na 65 kph at pagbugsong umaabot sa 80 kph, ayon sa PAGASA.
Kumikilos ang bagyo pa-hilagang-kanluran sa bilis na 25 kph.
Sa forecast track ng state weather bureau, inaasahang liliko ang bagyo pa-hilagang-silangan at lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas, Hulyo 15, ng madaling araw.


