Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan ang panahon ngayong Martes, Hulyo 14, sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union dulot ng habagat o southwest monsoon.
Habang ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay posibleng makaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.


