Inatasan ng Sandiganbayan ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at mga opisyal ng PNP General Hospital na dalhin si Senador Rodante Marcoleta sa Philippine General Hospital ngayong Martes, Hulyo 14, para sa panibagong medical examination.
Ayon sa korte, ihaharap ng mga doktor ang resulta ng pagsusuri at ipaliliwanag ang kanilang findings sa pagdinig sa Miyerkules, Hulyo 15.
Matatandaang ginagamot si Marcoleta dahil sa mild pneumonia matapos siyang sumuko sa mga awtoridad kaugnay ng kasong plunder na may kinalaman sa umano’y hindi idineklarang P75 milyong campaign donations.
📸: Sen. Rodante Marcoleta




