Kung kayang bumulag ang make-up sa kaputian nito, ganoon din dapat kaputi ang hanap nating katotohanan, mas maputi pa sa make-up, mas maputi pa sa laway.
Two weeks ago, laway ang naging villain ng timeline. Ngayon, biglang nagpalit na ng theme. “Sumobra ang make-up nung abogado ng prosecution,” sabi ng isa. “Amputi po ng face niya ngayon 😂,” dagdag pa ng iba. “May blush-on pa hahahaha, napasobra make-up.” Akala mo Miss Universe coronation night, hindi impeachment trial ng isang Bise Presidente.
Fine, let’s laugh a bit, dahil nakakatawa naman talaga. Kahapon, laway ang kaso. Ngayon, contour at highlighter. Bukas, baka pati damit, sapatos, o kung gaano kataas ang tindig ng buhok ang pag-uusapan. Ano na lang ang susunod, itatanong pa ba natin kung anong shade ng lipstick ang ginamit bago mag-object sa isang testigo?
At sa totoo lang, hindi lang ito sa isang panig. Pareho namang ginagawa ito ng magkabilang kampo: kung kanino man kayo naniniwala, tapatan lang, malaking chance na may “analysis” din kayong nabasa tungkol sa buhok o suot ng kabilang partido. Equal opportunity distraction ito.
But here’s the thing worth noting. Hindi bago ang taktikang ito. Sa tuwing may tumatayo sa harap ng bansa, laging mauuna ang usapin ng kanyang anyo bago pa man ang laman ng kanyang sinasabi. Buhok, kilay, damit, at ngayon, base at concealer. It happens to most people in public life who takes on the powerful, regardless of party or politics.
At dito ang pinaka-nakakatawa, at kasabay nito, ang pinaka-malungkot: mas mabilis mag-viral ang comment tungkol sa foundation kaysa sa mismong laman ng testimonya. Same pattern noong laway. Mas magaan, mas mabilis kumagat, at aminin na natin, mas nakaka-good vibes ang tumawa kaysa magbasa ng cross-examination na tatlong oras. We’d rather watch a fifteen-second clip about blush-on than sit through bank records and sworn statements. Sabihin na nating totoo iyon: mas kaunti ang oras na ginugugol ng bansa sa pagbabasa ng ebidensya kaysa sa pagre-react ng emoji sa isang screenshot.
Pero heto ang katotohanan: kahit sobra man o hindi ang make-up niya, wala itong kinalaman sa bigat ng kaso na kanyang hinaharap, ang mga akusasyon, ang mga ebidensya, ang mga buhay na nasasangkot dito. Puwede siyang mag-concealer ng buong araw, hindi pa rin magbabago kung ano ang totoo o hindi sa mga akusasyon laban o para sa kanyang kliyente. Ang make-up ay make-up lang. Ang ebidensya ay ebidensya. Isa lang ang puwedeng mag-swing sa isang impeachment trial, at hindi iyon ang kulay ng kanyang blush-on.
Advertisement
So who benefits kapag tayo ang abala sa contour? Ang mga buwaya na nasa likod ng eksena, natutuwa sila sa bawat viral comment tungkol sa kanyang mukha, dahil habang tayo’y nagko-comment ng “hahaha” sa blush-on, sila’y tahimik na gumagalaw sa likuran, umaasang malimutan na lang natin ang tanong: sino ba talaga ang dapat managot? A distracted public is a convenient public. Mas mabuti para sa kanila kung ang tinatalakay ng bayan ay make-up, hindi ang mga kaso, kontrata, at kwentang dapat sanang pinag-uusapan.
At habang tayo’y nagtatawanan sa contour, may isang seryosong usapin na dapat nating pag-usapan. Si Senador Rodante Marcoleta, ang naging pinakamalakas na tinig laban sa flood control scam bilang dating chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na ngayon ay nasa kustodiya ng PNP matapos siyang arestuhin noong Hulyo 6 dahil sa isang di-umano’y P75-million plunder case, isang non-bailable na kaso na inihain hindi nagtagal bago pa magsimula ang paglilitis kung saan dapat sana siyang umupo bilang senator-judge. Sinabi mismo ni Marcoleta na tila sinisikap siyang patahimikin, lalo na ngayong kasagsagan ng imbestigasyon sa flood control mess. Kamakailan lang, dinala pa siya mula sa PNP General Hospital patungo sa Philippine General Hospital (PGH) para sa independiyenteng medical exam, saka ibinalik sa PNP Hospital bago muling iharap sa Sandiganbayan, habang hinihintay pa rin kung kailan siya ihahatid sa piitan. Samantala, ang mga buwayang kinababalaan ng parehong kontrobersiya, malaya pa ring tumatawa, walang non-bailable na kaso na kinakaharap.
At ang hubad na katotohanan: kung hindi sana nakakulong si Marcoleta, tiyak na hindi tayo nag-uusap-usap ngayon tungkol sa laway o make-up. Ang pinag-uusapan sana natin ay kung ano talaga ang sinasabi ng prosekusyon at ng depensa, dahil may isang senador-hukom na tuluy-tuloy na magtatanong at magbabantay. Sa halip, may puwang na naiwan, at napuno ito ng kung anong kulay ng foundation ang ginamit ng abogado.
Kaya sige, tumawa tayo, nakakatawa naman talaga. Ang lipstick meme, i-share. Ang comment na “amputi po ng face niya,” i-react. Wala namang masama sa kaunting saya sa gitna ng mabigat na balita. Pero pagkatapos ng tawa, bumalik tayo sa tanong: sino ang nagsinungaling, sino ang nagnakaw, sino ang dapat managot? Iyon ang usapan na hindi dapat natatabunan ng contour powder.
Funny is fine. Forgetting the actual case is not.
Kaya kung maghahanap tayo ng kaputian, hanapin natin ang katotohanan, ang uri ng kaputiang hindi kayang tapatan ng kahit anong make-up o laway.
And that is the bald truth here.



