Binalik sa natural habitat ang nasagip na 10 critically endangered Philippine hanging parrots, o mas kilala bilang kulasisi, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Soccsksargen.
Nakumpiska ang mga kulasisi na tinangkang ibenta sa halagang ₱1,000 kada ibon sa umano'y illegal wildlife trade sa Barangay Pangao-an, Magpet, Cotabato.
📷: DENR Soccsksargen


