Nagdeklara ng state of calamity ang lokal na pamahalaan ng Pototan, Iloilo dahil sa malawakang pagbaha na nakaapekto sa humigit-kumulang 3,615 indibidwal mula sa 31 barangay.
Sa ilalim ng state of calamity, mas mapapabilis ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng tulong at pagpapatupad ng mga emergency response sa mga naapektuhang lugar.



