Sugatan ang dalawang senior citizen matapos silang saksakin ng isang lalaking nakisilong sa kanilang tindahan sa Barangay Nailon, Bogo City, Cebu.
Ayon sa pulisya, bigla umanong inatake ng suspek ang babae at isinunod nito ang lalaki nang tangkaing pigilan ito. Agad na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.
Tinitingnang motibo ang pagnanakaw matapos umanong hablutin ng suspek ang bracelet ng isa sa mga biktima.
Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang mag-asawa.
📸: Jonel Gelig



