Pinasok ng walong miyembro ng “Gapos Gang” na nagpanggap na operatiba ng PNP, SWAT, at NBI ang bahay ng isang negosyante sa Brgy. Concepcion Dos, Marikina City.
Ginapos ng mga suspek ang mga biktima gamit ang cable ties. Hinalughog nila ang bahay at sapilitang pinalipat ang pera mula sa online wallet.
Mabilis naman rumesponde ang mga awtoridad at nadakip ang limang suspek. Nakatakas naman ang tatlong iba pa kung saan natangay ang pera, mga alahas, at gadgets na tinatayang P3 milyon ang halaga.
Nakapiit na ang limang suspek at nahaharap sa iba’t ibang kasong kriminal. | via Jim Tejano



