Sugatan ang 18 katao, kabilang ang driver ng jeep, matapos itong sumalpok sa nakahintong bus sa Barangay Roosevelt, Dinalupihan, Bataan nitong Martes, Hulyo 14.
Ayon sa mga awtoridad, hinihinalang pumalya ang preno ng jeep. Bumangga rin ito sa poste at bakod ng isang bahay.
Isinugod sa ospital ang mga sugatang pasahero habang wala namang naitalang nasaktan sa mga pasahero ng bus. Wala ring naitalang nasawi.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. | via Ckylie Joy Guara
📷: Dinalupihan MDRRMO

