Arestado ang isang abugada at dalawa niyang staff matapos umanong mangikil ng P400,000 sa kanilang kliyenteng magkapatid.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), kinuhang abugado ang suspek dahil sa inireklamo ng magkapatid na Chinese.
Nang matalo sa kaso ang mga biktima, sinabihan umano sila ng suspek na may kinontratang sindikato ang Intsik upang paslangin sila.
Hiningan sila ng suspek ng pera upang bayaran ang sindikato upang hindi na ituloy ang pagpaslang. Dito na nagtaka ang magkapatid, dahil mismong sa suspek idadaan ang pera at hindi sa umano’y sindikato.
Nahaharap sa kasong robbery-extortion ang mga suspek at maaaring ma-disbar ang abugada.
📷: NBI OTCD

