Arestado ang isang 58-anyos na lalaki sa isang search warrant operation sa Barangay Angeles Zone 4, Tayabas City, Quezon matapos makumpiskahan ng dalawang baril, mga bala, at hinihinalang shabu na may tinatayang street value na mahigit ₱100,000.
Ayon sa pulisya, dati nang naaresto ang suspek noong 2018 dahil sa paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga.
Isinasailalim na rin sa cross-matching examination ang mga nakumpiskang baril upang matukoy kung nagamit ang mga ito sa anumang krimen. | via Martin Banaag
📷: Tayabas CCPS

