Umakyat na sa 39 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng Bagyong Luis, Maymay at Neneng, pati ng habagat, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Pinakamarami ang nasawi sa Benguet na may 15, karamihan dahil sa landslide. Umabot naman sa 20 ang sugatan at tatlo ang patuloy na nawawala.
Aabot sa 9.4 milyon katao ang naapektuhan, habang nasa ₱6.27 bilyon ang infrastructure damage at ₱2.84 bilyon naman ang pinsala sa agrikultura.
📷: PNA



