Sugatan at isinugod sa ospital ang mag-asawang edad 51 at 52 matapos umano silang pagsasaksakin ng kanilang 27-anyos na anak habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sangali, Zamboanga City, nitong madaling-araw ng Lunes, Nobyembre 2.
Tumakas ang suspek matapos ang insidente ngunit naaresto rin sa isinagawang hot pursuit operation. Ayon sa pulisya, mahaharap ang lalaki sa kasong frustrated murder.
Ayon naman sa kanilang kapitbahay, kilala ang lalaki bilang mabait at matulungin sa kaniyang mga magulang.
Nananatiling nasa ospital ang mag-asawa.
| via Ely Dumaboc


