Nasawi ang isang negosyante habang dalawang suspek ang naaresto matapos ang palitan ng putukan ng baril sa Haifa Palace Complex, Barangay Gadongan, Marawi City, Lanao del Sur, nitong Martes ng umaga, Nobyembre 3.
Nakaligtas naman ang kasama ng biktima. Sa isinagawang hot pursuit operation ng pulisya, naaresto ang mga suspek na isang negosyante sa lugar at isang residente ng Tagoloan, Lanao del Sur.
Batay sa paunang imbestigasyon, matagal nang may alitan sa lupa ang dalawang panig.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga suspek.
| via Ely Dumaboc



