Patay ang 29-anyos na security guard matapos barilin sa ulo ng holdaper na umatake sa isang convenience store sa Barangay Maybancal, Morong, Rizal, madaling-araw nitong Martes, Nobyembre 3.
Batay sa CCTV, dakong 4:35 a.m. nang pumasok ang suspek sa counter at tangayin ang tinatayang ₱10,000 sa kaha. Nang tangkaing tumakas, kinompronta siya ng guwardiya pero pinagbabaril ito ng suspek.
Dead on the spot ang biktima na dalawang buwan pa lamang nakatalaga sa tindahan. Tumakas naman ang gunman kasama ang kasabwat na nagsilbing lookout.
Natukoy na ang gunman matapos positibong kilalanin ng mga testigo sa rogues gallery. Patuloy pang pinaghahanap ang dalawang suspek na sasampahan ng kasong Robbery with Homicide.
🎥: Morong MPS
| via Jim Tejano

