Pinagmulta ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng ₱555.75 milyon ang motorcycle taxi company na Move It dahil lumagpas ito sa pinahihintulutang bilang ng rider-partner.
Ayon sa desisyon ng LTFRB, pinayagan lamang ang Move It na magkaroon ng 17,746 riders, ngunit umabot umano sa 73,321 ang bilang ng mga rider nito. Katumbas ng ₱10,000 ang multa sa bawat sobrang rider.
Iniutos din ng ahensya na itigil ng Move It ang pagtanggap ng mga bagong rider sa loob ng isang taon at bawasan ang fleet nito sa 6,836 riders.
Naghain naman ang kumpanya ng motion for reconsideration at sinabing patuloy itong makikipagtulungan sa mga regulator upang maprotektahan ang kabuhayan ng mga rider.
📸: Move It



