Nagsagawa ng security operation sa daungan ng Syros Island sa Greece matapos makatanggap ng bomb threat ang cruise ship na Crown Iris na patungong Haifa, Israel, nitong Martes, Nobyembre 3.
Sakay ng barko ang 940 pasahero at 597 tripulante. Walang natagpuang pampasabog sa paunang inspeksiyon, ngunit magsasagawa pa ng karagdagang pagsusuri bago ito muling bumiyahe.
Samantala, pitong flight sa Europe ang nakatanggap din ng bomb threat na nagdulot ng aberya sa mga paliparan, ngunit wala ring natagpuang pampasabog.
📸: Reuters


