Nadiskubre ng pulisya ang isang pinaghihinalaang bahagi ng improvised rocket-propelled grenade (RPG) sa isang junk shop sa Purok Saranay, Barangay San Pablo, Tacurong City, Sultan Kudarat, nitong Martes ng hapon, Nobyembre 3.
Â
Ayon sa pulisya, natagpuan ang hinihinalang explosive device sa mga scrap metal na binili ng isang 34-anyos na lalaki mula sa Datu Paglas, Maguindanao del Sur at dinala sa isang junk shop.
Â
Rumesponde ang pulisya at nakipag-ugnayan sa Sultan Kudarat Provincial Explosive and Canine Unit (SKPECU) para sa pagsusuri at safe handling.
Â
Nasa kustodiya na ito ng SKPECU para sa tamang disposal habang patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan nito.
Â
📸: Suelene Gesulgon
Â
| via Jannice Ann Cabaña



