May limang Pilipino sa California ang kabilang sa 63 kataong kinasuhan sa Estados Unidos dahil sa umano’y voter fraud at iba pang paglabag sa batas sa halalan.
Ayon sa US Department of Justice (DOJ), hindi pinangalanan ang limang Pilipino. Kabilang sa mga kasong kinakaharap nila ang pagboto ng mga dayuhan sa federal elections at paggamit ng pagkamamamayang Amerikano upang makapagparehistro o makaboto.
Sinabi rin ng DOJ na ito ang pinakamalaking bilang ng mga naaresto dahil sa voter fraud mula nang bumalik sa puwesto si US President Donald Trump.
📸: Reuters


