Nasawi ang isang 37-anyos na rider, residente ng Orion, Bataan, sa karambola ng tatlong sasakyan sa Roman Highway, Barangay Townsite, Limay, Bataan.
Batay sa paunang imbestigasyon, bumangga ang minamaneho niyang Honda CBR sa isang Mitsubishi bus. Tumilapon ang rider sa kalsada at nasagasaan ng paparating na SUV.
Isinugod siya sa ospital ng mga awtoridad ngunit idineklarang dead on arrival.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.
| via Larry Biscocho


