Nagsampa na ang pulisya ng kasong murder laban sa anim na suspek sa pagpatay sa 22-anyos na musikero sa Barangay Banay-Banay 2nd, San Jose, Batangas noong gabi ng Oktubre 25.
Â
Anim na indibidwal ang kinikilalang suspek ng pulisya. Nakuha sa isang video ang sunod-sunod na putok ng baril nang mangyari ang pagpatay.
Â
Tumanggi ang pulisya na isapubliko ang pagkakakilanlan ng mga suspek. Nananatiling at-large ang anim na indibidwal.
Â
📸: San Jose MPS
Â
| via Martin Banaag



