Nasawi ang isang 36-anyos na babae matapos umanong sakalin ng sarili niyang asawa sa Barangay Kulay Bato, Lamitan City, Basilan.
Kinilala ang suspek na isang 53-anyos na lalaking mangingisda. Patay na nang matagpuan ng mga awtoridad ang biktima.
Naiwan sa pangangalaga ng mga kapitbahay ang apat nilang menor de edad na anak habang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek.
Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.
📸: Lamitan City PNP
| via Grace Alconaba


