Nasawi ang limang hinihinalang miyembro ng robbery group sa engkuwentro ng pulisya matapos ang habulan sa Bacoor City, Cavite, nitong Martes, Nobyembre 3.
Ayon sa pulisya, minamanmanan umano ng grupo ang bahay ng isang negosyante sa loob ng isang subdivision at may ilan pa umanong nagpanggap na security guard upang makapasok sa lugar.
Dalawa pang suspek ang nakatakas at patuloy na tinutugis.
Iniimbestigahan din ang posibleng pagkakasangkot ng grupo sa iba pang robbery-holdup at mga kidnapping incident sa Cavite at Metro Manila.



