Hinimok ni Chinese Foreign Minister Wang Yi ang gobyerno ng Pilipinas na pigilan ang ilang opisyal ng bansa na umano’y paulit-ulit na naninira sa China.
Sa kanilang pag-uusap ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Theresa Lazaro, sinabi ni Wang na may ilang opisyal na kumikilos dahil sa pansariling interes at pagkiling sa politika. Hiniling din ng China na maglabas ang Pilipinas ng malinaw at nagkakaisang paninindigan tungkol sa China.
Ayon naman kay Lazaro, binigyang-diin ng dalawang panig ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng diplomatikong pag-uusap sa kabila ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea.
📸: CDFA, Reuters


