Nakakuha ang Department of Education (DepEd) ng 172,654 Apple MacBook Neo laptops para sa mga guro at administrative staff ng mga pampublikong paaralan.
Sa kabuuang bilang, 169,008 ang nakalaan para sa mga guro habang 3,646 naman ang para sa mga administrative officer. Mayroon ding ipamamahaging 62,717 Windows-based laptops para sa mga guro.
Ayon sa DepEd, nagkakahalaga ng ₱43,000 bawat unit ang mga MacBook Neo at may limang taong warranty. Inaasahang maipapamahagi ang mga ito mula Nobyembre 2026 hanggang Marso 2027.
📸: PNA


