Dineactivate ng TikTok at YouTube ang nasa 4.7 milyong accounts ng mga menor de edad sa Indonesia, ayon kay Meutya Hafid.
Kasunod ito ng pag-isyu ng regulasyon ng Indonesia na nag-uutos sa mga social media platforms na ideactivate ang mga account ng mga gumagamit na 16 taong gulang pababa.
Sa kabuuang bilang, 4.1 milyong account ang dineactivate ng TikTok, habang 600,000 naman ang tinanggal ng YouTube.
Layunin ng hakbang na mabawasan ang cyberbullying at social media addiction sa mga kabataan.



