Opisyal nang inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang revised Kindergarten to Grade 10 (K-10) Curriculum ng basic education.

Ayon kay DepEd Bureau of Curriculum Development Director Jocelyn Andaya, magsisimula ang Matatag K-10 Curriculum sa School Year 2024-2025 hanggang 2027-2028.
Sa ilalim ng Matatag Curriculum, ang mga aralin mula sa Kindergarten hanggang Grade 10 ay tutuon sa limang foundational skills: Language, Reading and Literacy, Mathematics, Makabansa, Good Manners and Right Conduct, na kung saan ay contrast sa seven learning areas na nasa kasalukuyang curriculum na Mother Tongue, Filipino, English, Mathematics, Araling Panlipunan, MAPEH, at Edukasyon sa Pagpapakatao.
Ang phased implementation of the Matatag Curriculum ay tulad ng mga sumusunod:
SY 2024 TO 2025 —KINDER, GRADE 1, GRADE 4, GRADE 7
SY 2025 TO 2026 — GRADE 2, GRADE 5, GRADE 8
SY 2026 TO 2027 — GRADE 3, GRADE 6, GRADE 9
SY 2027 TO 2028 — GRADE 10
Dagdag pa ni Andaya, ang bagong curriculum ang magbibigay ng balanseng cognitive demands, mas klarong articulation ng 21st century skills, pinag-ibayong values education at pinalakas na peace education na nakasunod sa international standard.



