Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na maaaring lumawak pa ang fish kill dahil sa El Niño phenomenon.
Sinabi ng tagapagsalita ng BFAR na si Nazario Briguera na maaaring magresulta ang mainit na panahon sa mas mababang antas ng tubig, lalo na sa "land-based fishponds," na maaaring mangahulugan ng mas mababang oxygen para sa mga isda.
“Mas vulnerable sila doon sa pagbaba ng level ng tubig, kasi nga mainit at posibleng magkaroon ng mga fish mortality, kasi puwedeng bumaba iyong dissolved oxygen level doon sa mga fishponds,” he explained.
Gayunpaman, sinabi rin ni Briguera na ang ilang uri ng isda ay mas madaling mahuli sa panahon ng El Niño.
"May mga datos na nagsasabi na sa panahon ng El Niño ay tumataas ang produksyon natin ng sardinas, iyong ating tamban, dahil favorable condition para sa kanila iyon," pahayag ni Briguera.
Upang maibsan ang inaasahang epekto ng El Niño sa produksyon ng isda, sinabi ng opisyal ng BFAR na dadagdagan nila ang operasyon ng mariculture parks, gayundin ang pagsusulong ng magandang aquaculture practices tulad ng pagtiyak na ang mga fishpond ay nagtatanim lamang ng tamang dami ng fingerlings.
“Palalawakin din ng BFAR iyong operations ng ating mga mariculture parks, ito, iyong mga palaisdaan sa dagat, nasa fish cages, so hindi sila vulnerable doon sa init na magiging dulot ng El Niño,” dagdag ng opisyal.

